What Men Live By
Download 0.7 Mb.
|
What Men Live By
“What Men Live By” (Sa Ano Nabubuhay Ang Mga Tao) Akda ni: Leo Tolstoy I. Maikling Impormasyon ng May-akda Leo Tolstoy (1828-1910) Si Lev Nikolayevich Tolstoy o mas kilala bilang Leo Tolstoy ay isang tanyag na Rusong manunulat na itinuturing rin na isa sa mga pinakamahusay na manunulat sa buong kasaysayan ng daigdig. Ipinanganak siya noong ika-9 ng Setyembre 1828 sa Probinsya ng Tula, Russia. Ang dalawang pinakakilalang nobelang naisulat niya ay ang “War and Peace” (Digmaan at Kapayapaan) at ang “Anna Karenina”. Ang mga akda niyang katulad ng mga ito ay itinuring bilang mga “mga akda ng buhay”, hindi “akda ng sining”. Dahil rin rito ay binansagan siyang “dalubhasa ng makatotohanang kathang-isip na sulatin”. Siya ay namatay noong Nobyembre 20, 1910 dahil sa sakit na pneumonia sa edad na 82. II. Sinopsis Ito ay kwento ng simpleng pagsasalaysay sa isang estranghero na natagpuang hubad at nagugutom ng isang mahirap na tagagawa ng sapatos, si Simon, na pagkatapos ay dinala ang estranghero sa bahay at inalagaan siya. Si Simon ay walang sariling bahay o sariling lupa, nakikitira lamang siya kasama ang kanyang asawang si Matryona at mga anak sa isang kubo ng isang magbubukid at kumikita sa pamamagitan ng kanyang trabaho bilang magsasapatos. Ang naturang estranghero na kinukupkop ng mag-asawa ay kalaunang pinangalanan bilang Michael. Natutunan niya ang sining ng paggawa ng sapatos mula sa tulong ni Simon, na kung saan ay nahigitan niya pa ito sa kanyang abilidad. Dahil rito ay naging isang kilalang tagagawa na si Michael ng sapatos sa lokal na rehiyon nila, na nagdulot ng kaunlaran kay Simon at ang asawa nito. Isang araw, may isang mayamang tao ang dumating at nagpagawa ng isang pares ng bota ngunit namatay bago siya umuwi. At makalipas ang ilang panahon ay isang mayamang babae naman ang nagpagawa ng tsinelas para sa kanyang mga ampon na anak na kambal. Ang isa sa mga bata ay may diperensya sa paa, at biglang sinabi sa kanila ni Michael na oras para siya ay umalis dahil may senyales na na siya’y pinatawad na ng Diyos. Nangyayari ito at ang liwanag ay naglalabas mula sa kanya at nagsimula siyang magningning. Pagkatapos noon, ipinaliwanag ni Michael kay Simon na siya ay isang anghel. Ipinaliwanag rin niya kung ano ang nangyari tungkol sa isang babae at kung paano siya nito binigyan ng awa at kung paano rin siya binigyan ng Diyos ng tatlong mga katanungan na dapat niyang sagutin tulad ng kung “ano ang naninirahan sa tao”, “ano ang hindi ibinibigay sa tao”, at kung “ano ang pinamumuhay ng mga tao”. Napagtanto niya na ang mga sagot sa mga katanungang ito ay naganap na. Ang sagot sa una ay pag-ibig, nang maawa si Matryona sa lalaki, iyon ang Pag-ibig. Ang sagot naman sa pangalawang tanong ay nung nagsiwalat ang anghel ng kamatayan at tumingin sa mata ng isang maharlikang lalaki… kung ano ang hindi ibinigay sa tao sa tao ay ang malaman ang kanyang sariling mga pangangailangan. At ang pangatlo ay nalaman niya sa pamamagitan ng ginang at ng kanyang mga anak na ang lahat ng mga tao ay nabubuhay hindi sa pag-aalaga para sa kanilang sarili kundi sa pag-ibig. Pagkatapos ay tinapos ni Michael ang kwento sa pamamagitan ng pagpuri sa Diyos nang lumitaw ang mga pakpak sa kanyang likuran at siya ay umakyat sa langit. III. Anong isyu/paksa ang binigyang diin sa aklat/kwentong binasa at paano mo ito maiuugnay sa kasalukuyan? Pag-ibig
IV. Magtala ng mga pananaliksik na susuporta sa pag-uugnay na gagawin Ang mga larawang ito na nasa itaas ay mula sa kilalang pahayagan dito sa Pilipinas, nagpapakita ng balita tungkol sa paglala ng karahasan na nagaganap sa panahon ngayon. Ano ba ang kailangan gawin? Simple pero mahirap gawin, simple pero nakakalimutan nang gawin, simple pero binabalewala at di binibigyang-halaga dahil sa nangingibabaw na ang pag-ibig sa sarili sa halip na isipin rin ang kapakanan ng ibang tao. Diba nga’t kung anong gusto mong gawin sa iyong sarili ay siya ring dapat gawin sa iyong kapwa? Diba nga’t ang pag-ibig sa kapwa ang sagot sa lumalalang karahasan o kasamaan? V. Panghihikayat Download 0.7 Mb. Do'stlaringiz bilan baham: |
ma'muriyatiga murojaat qiling